Writers on Queue

Writers on Queue
Credits to the Photo Owner

Wednesday, October 30, 2013

Craft: Dula-Dulaan


MAGULANG

The Mother and Child

MAGULANG
(Dula-dulaan)
Mga Tauhan:

                Dona Cynthia Alonzo- ina
Mga Anak:
                Trishia
                Jacob
                Trina
                James
Mga Kaibigan ng ina:
                Dona Loida Sy
                Dona Kristina Revilla
                Dona Amalia Gonzales
Yaya Lucing
Ryan
Iba pang tauhan:
Mga Pulis o Tanod
Mga Basagulero
Mga Usyusero


Tagapagsalaysay: Ina. Sila ang tinaguriang ilaw ng tahanan. Sila ang inaasahang gagabay sa ating paghakbang sa buhay na ating tinatahak. Ang mga ina ang ating tinitingala, ginagawang simbolo ng katatagan, katapangan at kabutihan. Si Ina ang ating tinatawag sa tuwing tayo’y nalulugmok sa hirap at pighati. Si ina ang ating pag-asa. Si ina ang ating pagmamahal. Ngunit, paano kaya mabuhay kung wala si Inay? Paano kaya tayo hahakbang kung wala ang gabay ni Ina? Paano kaya magiging masaya kapag malayo sa piling niya? Mga kaibigan, mga mag-aaral, mga guro, mga bisita at lalong lalo na sa inyo aming mga magulang, ang maikling dula-dulaang ito ay handog namin sa inyo. Sana mapulutan ninyo ng kahit konting aral.

UNANG TAGPO: (Sala ng mga Altamerano) Nakaupo sa sofa si Jacob habang nagbabasa ng magasin. Papasok si Trishia galing eskwela.

Trishia: Mama...mama! Kuya, wala pa ba ang mama? Hello? Kuya..ang mama!
Jacob: Naku, ewan. Ba’t di mo kaya itanong kay yaya.
Trishia: Yaya...yaya...nandito ba ang mama? Yaya. (aalis palabas ng entablado)
(Papasok si Trina. Nagmamadali. Humahangos.)
Trina: Kuya..ang mama.. itatanong ko sana sa kanya kung darating siya bukas sa meeting namin.
Kailangan daw talaga ang parent do’n.
Jacob: Wala nga siya eh.. Kanina ko pa hinihintay. Ganito na lang. Pakiusapan mo kaklase mo sabihin mo
dalawa kayo ang anak ng mama niya. Mag paadopt ka na lang kaya..
Trina: Kuya..
Jacob: Trina, ginawa ko na yun dati..kaya alam ko, na iyun ang dapat mong gawin..asa ka pa sa mama..
(Papasok si Trishia galing sa kusina.)
Trishia: Kuya, Trina, wala na naman ang mama.. Umalis daw kanina pa, sabi ni yaya.
Jacob: Bakit? Natatandaan pa ba ninyo kung kailan huling nakita natin ang mama? Hindi ko na nga alam
kung ano hitsura niya eh.
Trina: Bakit kaya laging wala ang mama? Magmula noong mawala ang papa bihira na natin siyang
nakakasama. Mabuti pa mga kaibigan niya may panahon siya... sa atin wala na.. Sana si yaya Lucing na lang ang naging mama natin ano?
Jacob: Hello! Trina?  si Yaya Lucing? Hwag na lang.. ang pangit kaya ng matandang iyon?
(Papasok si Yaya na naglilinis)
Trina: Kuya. Ano ba marinig ka ni yaya...
Trishia: Basta ako? Hindi na lang ako papasok bukas. Kasi tinutukso na ako ng mga kaklase ko, anak daw ako ng isang sugarol.
(Papasok si James mula sa labas. Ewan kung saan siya galing. Di naman nakauniporme.)
James: Ate, Kuya, wala ba ang mama?
Trishia: Hinihintay nga namin eh.
James: Lagi na lang wala ang mama. Letseng buhay to. Makaalis na nga. Buti pa sa mga kaibigan ko masaya. Pag dumating ang mama sabihin niyo sa kanya good luck! Hahahaha! (nagmamadaling umalis
Trina: James, saan ka pupunta?
Trishia: James bumalik ka dito,! Jaammeesss!!
Yaya Lucing: Naku sir Jacob, Mam Trishia at Mam Trina.. Hindi sa nakikialam ako sa buhay niyo pero si James kasi, parang hindi na pumapasok sa school...At minsan po nakikita ko siya sa labas mga adik po kasama niya.
Jacob: Yaya tama na... hindi adik si James...mabait ang kapatid ko...
Trishia: Yaya...maghanda ka nga ng mainom...
Yaya Lucing: Opo maam...eskyus mi po. (Pag alis ng yaya)
Trina: Kuya, ate paano kaya kung totoo ang sinasabi ni yaya?
Trishia: naku...hwag mong intindihin si yaya..imbento lang niya ‘yon( makakarining sila ng door bell o kung wala katok na lang)
Jacob: naku baka si mama na iyon...dali buksan natin..(sabay silang mawawala sa entablado)

TAGPO 2: Mahahati sa dalawa ang entablado. Sala ang sa kanan. Makikita ang mga kaibigan ni Mrs. A, nagtatawanan habang humihitit ng sigarilyo. Mapapansin din ang paglabas pasok ni Yaya Lucing dala-dala ang tray ng mga baso ng juices. Kwarto naman ang sa kaliwa. Sa Kwarto makikita sina Mrs. Altamerano at si Trishia. Nag aayos ng sarili si Mrs Altamerano, habang kinakausap ng mga anak.

Trishia: Mama? Aalis na naman kayo? Ni  hindi lang man kayo nagtanong kung kumusta na kami! Ma?
Mrs. A: Trishia, wala akong panahon sa mga dramang iyan ha. Tigilan mo ako.
Trishia: Kailangan ka namin. Alam mo bang madalas na akong lumiban sa klase dahil tinutukso nila ako
na anak daw ako ng sugarol. Si James, bihira ng umuuwi dito. Di ka lang ba magtatanong kung bakit? Kailangan ka namin ma.
Trina: ( Papasok) Oo mama. Kailangan kita bukas sa meeting namin sa school. Ayaw kong mapahiya sa mga kaklase ko.
Mrs A: Naku Trina.. Lumang tugtugin na iyang meeting -meeting na iyan. Bigyan mo lang ng pera iyang mga teachers mo...Ok na ang mga iyan!
Trina: Mama... ayoko. Nakakhiya... Ayokong ako lang ang walang parent doon... ano na ang sasabihin ng mga kaklase ko.
Trishia: Ma, sana kahit konting panahon lang pagbigyan mo kami. Sana kahit konti lang maramdaman naming ina ka namin. Sana kahit minsan lang itanong mo sa amin kung okay kami. Kahit konti lang ma..konti lang..
Mrs. A: Ah! Bwisit! Mga malas kayo sa buhay ko! Bakit? Anong kailangan niyo na hindi ko naibigay?
Pagkain? Damit? Alahas? Gusto niyo ng kotse? Pera? Ah.. tama.. pera... heto o heto..kunin nyo
lahat iyan.. gastahin niyo hanggang gusto niyo! Magsawa kayo! Mga Letse! Yaya! Yaya! Yaya! Yaya luciiiiiinnngggg!!!
Yaya Lucing: Opo mam..heto na po..ano po mam..san po ako pupunta..(natataranta)
Mrs A: Yaya.. sa susunod pag tinatawag kita lapit ka agad ha...bwisit! Cge pulutin mo ang mga perang iyan at ipambili mo sa kahit anong hingiin nitong mga alaga mo...Bilis!!!! bilis!!!!
Yaya: Opo madam..(sabay pulot sa mga pera)
Trishia: Ma, hindi naman namin kailangan ang mga iyan, eh. Ikaw ma..ikaw ang kailangan namin.
Trina: Bakit ma? Mabibili ba nga maga perang ito..ito..ito..ang pagmamahal ng isang ina? Bakit? Ganun
na ba ang tingin mo sa amin, mga bagay na pwede bilhin? Mga anak mo kami ma.. at kailangan ka namin...
Mrs Loida: (sa sala) Mare ano ba, matagal ka pa ba?
Mrs: A: Sandali lang. Lalabas na!
Mrs. Amalia: Bilis bilisan mo naman diyan bruha ka. Mahuhuli na tayo.
Mrs. Kristina: Hoy.. gaga.. kung magtatagal ka pa, uuna na kami.
Mrs. A: (sa kwarto) Andiyan na! ( sa mga anak) O aalis na ako...kailangan kong bumawi sa aking talo
kagabi. Magsitigil na kayo. Ayokong malasin.
Trishia at Trina: Mama..mama...ma...huuhuhuu..(Umiiyak. Hahabulin ang ina papalabas sa sala).
Mrs. Amalia: Naku, mare. Bigyan mo nga ng mga datung ang mga iyan para magsitigil yan...
Mrs. Kristina: Oo nga naman, mare. Malas yan!
Mrs. A : (sa mga anak) Hoy! Magsitigil nga kayo. Lumayas nga kayo sa harapan ko.. (Itutulak ang mga bata) Mga buwisit! Mga malas! Pweh! Tayo na...( Lalabas ang apat, maiiwan ang dalawang bata. Humahgulgul, magyayakapan)

TAGPO 3: Sa sugalan. Makikita ang magkukumareng nagsusugal.

Mrs. Kristina: Todas....hahahhahahahaha.. ang galing ng petsas ko!
Mrs. Loida: Oo nga. Kanina ka pa. Siguro napanaginipan mo si Pepeng Agimat kagabi ah..kaya ang
swerte mo ngayon. Ikaw mareng Amanda, bat ka nakasimangot diyan ha?
Mrs. A: Pweh! Huwag mo nga akong pansinin. Nakakamalas ka....ah..opps...ano iyon?
Mrs. Amalia: Karakter 5....bakit totodas ka?
Mrs. A: Hindi.... (Bubunot at pagtapon)
Mrs Kristina: Ooops...hahahahaaaaa..todas..todas hahahhaaa...
Mrs. A. Bwisit malas na naman ako.

TAGPO 4: Sa bahay. Makikitang nakaupo at nag-uusap sa sofa sina Trina, Trishia at Jacob. Habang si Yaya Lucing ay makikitang nag-aalis ng alikabok sa mga muwebles na makikita sa sala.

Trina: Hanggang ngayon ba wala ang mama? Maghahatinggabi na...wala pa rin siya....
Trishia: Hay naku.. Ito na siguro ang pinakamalungkot na gabi sa buhay natin...Wala na nga ang papa...wala pa rin ang mama...
Jacob: Wag na nga kayong mag aambisyon na mabubuo pa tayo...dahil kailanman di naging buo itong pamilya natin. Kahit buhay pa ang papa...laging nag aaway sila ng mama..ngayong wala na ang papa...heto naman si mama nawawala rin... Kaya kung ako kayo..isipin niyo na lang na kapwa na silang patay...para di kayo lalong masaktan..
Trishia: Kuya ha..ang sama mo!
Jacob: Bakit anong gusto mong gawin ko? Umasa? Na alam kong masasaktan lamang ako?
Trina: Basta ako..umaasa pa rin na babalik sa piling natin ang mama...at makakaroon pa rin ng masayang wakas itong kwento natin..
Trishia: Manalangin na lang tayo na sana magdilang anghel si Trina... at sana mangyari ang mga iyon bago mahuli ang lahat. (lalapit sila sa altar at uusal ng dasal)
TAGPO 5. Sa daan. Pasuray-suray ang paglalakad ni James habang inaakbayan siya ng kaibigan niyang si Ryan. Habang

(Biglang may mabilis na kumatok sa pintuan. Nang mabuksan ng yaya, humahangos at takot na takot na lumantad sa harapan ng magkakapatid si Ryan, isang kaibigan ni James.)

Ryan: Si ....si....siiiiii......James po... oo...si James....si James..
Trishia: Bakit? Anong nangyari kay James ha?
Ryan: Si James...Si James...
Jacob: Ano nangyari sa kapatid namin ha!? Magsalita ka, ano?
Trina: Ryan ano ba...magsalita ka? Anong nangyari kay James? Nasaan siya?
Trishia: Ryan?! (Sasampalin si Ryan at ang huli ay matatauhan)
Ryan: Si James po... nasaksak! Bilisan ninyo iniwan ko siya sa kanto...duguan! Bilisan ninyo kung gusto niyong maabutan pa siya ng buhay...
Jacob: Trina, Trishia...tara na bilisan ninyo..(Sa yaya,pasigaw) Yaya, tawagan mo ang mama...ibalita mo ang nangyrai kay Ryan.... bilis yaya!
Yaya: Opo sir..
(Aalis ang mga bata.)

IKALAWANG YUGTO: ( Makikita sa entablado ang kumpol kumpol ng mga tao na nakikipag-usyoso sa krimeng naganap. Dahil sa dami ng tao, mahihirapan ang magkakapatid na lumapit sa nakahandusay at duguang katawan ni James.

Jacob: Paraanin ninyo kami ....paraanin ninyo kami...
Trina: Mga kapatid po kami ng biktima..paraanin ninyo kami...
Trishia: (ng makalapit)..james ...james...(sabay yugyog habang umiiyak)... Kuya jacob...si james...
Trina: James...hoy bunso...gising, James...buhay ka diba? Buhay ka james? (iiyak)
Trishia: Si james ang kapatid natin...wala na siya..(sa mga tao na nakapalibot).tulong..tulungan ninyo kami ...
Jacob: Ano bang tinitingin tingin ninyo? Tulungan ninyo kami.. Tumawag kayo ng ambulansiya... buhay pa ang kapatid ko, dalhin na natin siya sa ospital...maawa kayo...
Trishia: Cge na po...tulungan niyo na po kami huhuhuhuuu.... james..buhay ka kapatid ko...buhay ka james...huhuuhuhuhu...
(Maririning ang tunog ng ambulansiya...at makikita sa entablado ang pagdating ng mga rescuers.) Bago pa mabuhat ang katawan ni James, siya ang pagdating ng kanilang ina)(Maririnig bilang background music ang Magulang ng Asin)

Mrs. A.: Padaanin ninyo ako ...padaanin ninyo ako... James anak ko.... James huhuuuu!
Sino? Sino ang walang pusong may kagagawan nito.... (tatayo...sa mga pulis) kayo ano pa ang hinintay ninyo? Hanapin ninyo ang pumatay sa anak ko... Ano ba? Ano pa ang tintayo ninyo diyan...hanapin niyo na ang kriminal! Pera??? Kailangan ninyo ng pera???
Trina: Mama.. mama! Tama na! Hindi lahat ng bagay ay kaya bilhin ng iyong pera! Di na maiibabalik ng pera mo ang buhay ng kapatid namin.. Pwede ba, tama na...
Mrs A: James..huhuhu..anak ko huhuhuu... patawarin mo ako anak ko...
Jacob: Segi ma... umiyak ka...humagulgul ka.. ubusin mo ang lahat ng luha mo ...upang mahugasan ka sa mga kasalanan mo sa amin...u
Trishia: Bakit mama? Anong silbi mayroon ang iyong mga luha? Kaya pa bang ibalik ng mga luha mo ang dati? Kaya pa ba ibalik ng paghagulgul niyo ang buhay ni James?
Trina: Ate, kuya...ano ba tama na...hanggang ngayon ba ay magtatalo pa rin tayo....wala na si James...ibig sabihin wala na rin tayo?..pwede pa naman tayong magsimula ulit,diba?Kuya? Ate? mama?
Mrs.A.:  Mga anak, Jacob, Trishia, Trina, patawarin ninyo ako mga anak ko. Ako ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ninyo...wala akong kwentang ina..kung noon sana nakinig ako sa inyo. Hindi sana tayo aabot sa ganito..Patawarin ninyo ako mga anak ko...nagpadala ako sa kalungukutan dulot ng pagkawal ng inyong ama...
Trina: Ma...matagal ka na naming pinatawad..matagal na naming hinihintay ang iyong pagbabalik..mahal na mahal ka namin mama.

Trishia: Patawarin mo rin kami kung may pagkukulang kami sa iyo mama..sana ito na ang simula ng pagbabago sa ating pamilya....sana di na tyo magkakahiwalay muli...
Mrs. A: Pangako ko mga anak ko...Magiging ina na ako sa inyo. Hindi na kailanman ako magsusugal.Inyong-inyo na ang aking panahon. Mahal na mahal ko kayo mga anak ko. (kay Jacob) Jacob?
Jacob: (mukhang galit) Ewan ko...di pa kita kayang patawarin mama.Malaking kasalanan mo sa amin kaya dapat mong pagdusahan...
Mrs. A.: Handa akong maghintay sa kahit anong katagal na panahon, mapatawad mo lang ako Jacob, anak.
Trishia: Kuya? Ano ba? Akala ko ba ito ang gusto mo ang mabuo muli ang pamilya natin...
Jacob: Bakit sino bang maysabi na di ko ito gusto....(tatawa) ang seryoso ninyo..nagpapatawa lang ako..Para sa akin mama, hindi ka kailanman nagkasala.Kaya ang kapatawaran mula sa akin ay di mo na kailangan. (Yayakapin ang ina) Mahal na mahal kita mama.(yayakap din sina Trina at Trishia).

(Patuloy ang tugtug na Magulang habang binabasa ng tagapagsalaysay ang  pangwakas at mga tauhan)
  Narrator: Bawat isa sa atin ay kailangan ang isang gabay at kalinga ng mga magulang upang matunton natin ang tamang landas sa ating paglalakbay. Ang mga magulang ang magsisilbing ilaw upang maliwanagan tayo sa madilim na daan na ating tinatahak. Sila ang ating lakas. Ang ating inspirasyon upang maabot natin ang bawat himaymay ng ating mga pangarap. Mga anak, igalang at respetuhin ninyo ang inyong mga magulang. Kahit ano pa man sila..kahit sino pa man sila...sila ang natatangi ninyong mga magulang na kailanman ay di maari ninyong palitan. Mga magulang, mahalin ant kalingain ninyo ang inyong mga anak. Ipadama sa kanila ang inyong dakilang pagmamahal dahil sa inyong mga anak nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa. At dito po nagtatpos ang aming maikling dula-dulaang pinamagatang: Magulang.

4 comments:


  1. I started on COPD Herbal treatment from Ultimate Life Clinic, the treatment worked incredibly for my lungs condition. I used the herbal treatment for almost 4 months, it reversed my COPD. My severe shortness of breath, dry cough, chest tightness gradually disappeared. Reach Ultimate Life Clinic via their website www.ultimatelifeclinic.com. I can breath much better and It feels comfortable!

    ReplyDelete

Thank you dropping by and leaving a mark. See you 'till next time!